ALBAY – Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng isang babae matapos siyang gahasain at paslangin nitong Hunyo 16, 2024 sa Oas, Albay.
Kinilalang si Arlene Ortize, 28-anyos, na isang Person with Disability (PWD), nagtatrabaho bilang parking girl para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Ayon kay Police Major Irvin Bellen, ang hepe ng Oas Municipal Police Station, nadiskubre na lamang ang biktima na hubo’t hubad ng isang magsasaka na agad ipinagbigay-alam sa awtoridad.
Batay sa kanilang imbestigasyon, ginahasa ang biktima at pinatay sa pamamagitan ng pagsakal.
Pagtitiyak ng awtoridad na tututukan nila ang kaso hanggang sa mabigyang hustisya ang kamatayan ng biktima.
 
					 
							 
										






