Itatayo sa lalawigan ng Albay ang isang bagong training facility ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatawaging PCG Academy.
Sa panayam sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum, sinabi ni Coast Guard Bicol Commander Philipps Soria, nagkakahalaga ng 1.4 billion pesos ang naturang pasilidad na itatayo sa 15-ektaryang lote sa bayan ng Bacacay.
Nakapag-request na ang Coast Guard Bicol ng Special Allotment Release Order mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa paglalabas ng inisyal na 200 million pesos para masimulan ang pagtatayo ng PCG Academy.
Nais nilang ihanay ang pasilidad sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City at sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Cavite.
Ang konstruksyon ay magtatagal ng lima hanggang pitong taon.Kapag natapos ang proyekto, ang PCG training facility sa Bataan ay ililipat na sa Albay na inaasahang makakapag-accomodate 300 hanggang 400 officers kada tahon.
Nagpapasalamat si Soria sa Lokal na Pamahalaan ng Bacacay at kay Ako Bicol Partylist Cong. Zaldy Co sa patuloy na suporta sa proyekto, maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Public Works and Highways (DPWH).






