Nadiskubre ng mga awtoridad na nakasilid sa isang drum ang dalawang bangkay ng lalaki sa Labo, Camarines Norte pasado alas-11:00 ng umaga nitong Martes, Abril 2.
Ang dalawang bangkay ay isiniksik sa drum at sinementado.
Ayon kay PLtCol. Augusto Manila, ang hepe ng Labo Municipal Police Station (MPS), isang mangingisda sa lugar ang nakapansin sa mga drum sa Busig-On River sa bahagi ng Barangay Submakin sa nasabing bayan Martes ng madaling araw.
Alas 9:30 ng umaga nang balikan ng mangingisda ang dalawang drum kasama na ang ilang residente sa lugar upang alamin kung ano ang laman at nang buksan ay dito tumambad sa kanila ang tenga ng tao.
Agad itong ipinaalam sa awtoridad at nakumpirma na dalwang lalake ang mga biktima.
Kapwa nasa state of decomposition na ang mga biktima kaya mahirap na ang mga itong makilala pa.
Sa ngayon, nasa Saadeva Funeral Homes sa nasabing bayan ang bangkay ng mga biktima at isasailalim sa autopsy.
Masusi na itong iniimbestigahan na ng Labo MPS.






