Inaprubahan na ang bicameral conference committee report na nag-aamiyenda sa Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, pinagkasundo ang mga probisyon sa bersyon ng Kamara at Senado sa ilalim ng An Act Rationalizing the Safety Measures and Penalties to the Operation of Motorcycles.
Sa ilalim nito, wala nang ‘doble plaka’ para sa mga motorsiklo.
Nagpapasalamat si Antipolo City 2nd District Representative Romeo Acop ang Senate Panel para sa development na ito.
Para naman kay Senator JV Ejercito, na mahalagang maibigay na ang plaka sa mga kailangan nito lalo na at sa kasalukuyan ay may 9 million backlog sa Land Transportation Office (LTO).
Bukod dito, ang probisyong pagkakabit RFID sa harap ng mga motorsiklo ay tinanggal din. Bago ito, ipinapanukala ang pagkakabit ng RFID sa harap ng motorsiklo sa halip na original decal plates para sa kaligtasan ng motorcycle riders.
Dagdag pa ni Ejercito, mas makatwiran na rin ang multa at parusa na mula sa P50,000 hanggang P100,000 ay magiging P20,000 na lamang ito.





