Uumpisahan sa unang kwarter ng 2025 ang pagsasagawa ng Bicol River Basin Development Program (BRBDP).
Sa kanyang pagbisita sa Camarines Sur kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng assistance sa mga apektado ng Bagyong Kristine, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Hulyo ang pag-update sa masterplan at feasibility study sa Bicol River Basin.
Aniya, ginawa ang proyekto na akma sa hamon ng pagbabago ng klima.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na inaayos na ang detailed engineering design na inaasahang masisimulan sa unang kwarter ng susunod na taon.
Inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Environement and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at DPWH na tiyaking ang BRBDP ay ‘integrated’ at ‘future proof.’
Sa taya ng DPWH, ang preliminary estimated cost ng proyekto ay nasa 75 billion.




