Umabot na sa 188 ang bilang ng firecracker-related injuries.
Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, mataas ito kumpara sa 124 cases na naitala sa kaparehas na panahon noong 2023.
Karamihan sa mga kaso ay dulot ng boga, five star, at piccolo.
Dagdag pa ni Domingo, karaniwang daing ng mga biktima ay eye injury, pagkasunog ng balat, o pagkaputol ng bahagi ng katawan.
Halos ang mga biktima ay nasa edad lima hanggang 19 taong gulang mula sa Metro Manila, Central Luzon, Western Visayas, Ilocos Region, at Central Visayas.
Ang mga DOH hospitals at regional offices ay nasa Code White Alert hanggang January 6 para sa inaasahang pagdagsa ng mga emergency patients sa New Year Celebration.
Samantala, nasa 530,000 illegal firecrackers at pyrotechnics ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP), nasa 19 katao, kabilang ang 2 menor de edad ang inaresto dahil dito.






