Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nasa poor classification noong nakaraang taon, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa Preliminary Findings of the Family Income and Expenditure Survey (FIES) nitong 2023, nasa 10.9% ang poverty incidence sa bansa, o katumbas ng 3.0 million na mahirap na pamilya.
Mababa kumpara sa 13.2 percent na naitala noong 2022.
Tinutukoy ang poverty incidence bilang porsyento ng mga pamilyang Pilipino kung saan ang kita ay hindi sapat para punan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Lumalabas din sa datos na 15.5% ng mga Pilipino o kabuoang 17.54 million katao ang itinuturing na mahirtap nitong 2023.





