Pormal na tumanggap ng “Lakan Achievement Award” si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Ruel Rivera para sa kanyang mahusay na performance at hindi matawarang kontribusyon sa serbisyo.
Ito ay iginawad sa 44th Philippine National Police Academy (PNPA) Alumni Homecoming sa Silang, Cavite nitong Sabado, Marso 09, 2024.
Kinilala ng PNPA si Rivera sa pagbuo ng mga mahahalagang polisya at programa para ma-digitalize ang mga pangunahing serbisyo ng ahensya upang mapaluwag ang mga piitan at mapaayos ang kondisyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Tinaguriang “People’s General” si Rivera sa BJMP, na pinangunahan ang mga programang pang-reporma sa ahensya.
Bukod kay Rivera, nakatanggap din ng Lakan Distinguished Awards sina BJMP Senior Supt. Rufino Santiago, Supt. Xavier Solda, at Chief Inspector Cathering Cardaño.
Si Cardaño ay miyembro ng PNPA Masaligan Class of 2011, at siya ang nagsulong para makumpleto ang nasa 14 na proyekto at makatanggap ng tulong at donasyon para sa BJMP sa Bicol Region.
Si Solda naman ay nanguna sa serye ng innovations at jail reform programs, isnusulong niya ang dignidad at karapatang pantalo sa kulungan, habang isinusulong din ang mahusay at citizen-centric na paghahatid ng serbisyo.
Si Santiago naman ay miyembro ng PNPA Kaagapay Class of 1996 na kasalukuyang hepe ng BJMP Preventingand Countering Violent Extremisim Center (PVCE/C). Ang kanyang experience sa field operations at administrative functions ay nakatulong para mailatag ang blueprint ng BJMP sa anti-terrorism at jail security efforts.
Si Rivera naman ay miyembro naman ng PNPA Patnubay Class of 1995.




