Nanguna ang improvised cannon na ‘boga’ sa pangunahing dahilan ng firecracker-related injuries nitong pagsalubong ng Bagong Taon.
Ang boga ay isa sa mga ipinagbabawal na paputok sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo, may mga bagong bersyon ng boga na mapanganib hindi lang sa mga gumagamit nito pero pati na rin sa ibang tao.
Ang mga Boga ay karaniwang gawa sa PVC pipes at nilalagyan ng denatured alcohol, pero sinabi ni Domingo na may ilang bersyon na gumagamit na rin ng ibang materyales tulad ng gas.
Bukod sa boga, ang iba pang paputok na kadalasang nagdudulot ng injuries sa Bagong Taon ay five star, kwitis, homemade firecrackers at piccolo.
Sa datos ng DOH, lumalabas na 141 katao ang biktima ng paputok mula December 22, 2024 hanggang January 1, 2025.
Mababa kumpara sa 519 cases na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Inaasahang tataas pa ang bilang dahil sa mga late reports.
Apat na indibiduwal sa Luzon at Visayas ang namatay dahil sa firecracker-related accidents.





