ALBAY – Patok sa nature lovers ang dinarayong Buhawi Hills sa Barangay Panganiran, Pio Duran, Albay na binansagan bilang “Land of Extreme Adventure”.
Taong 2018 nang madiskubre ang naturang pasyalan na mas nagpakilala ng bayan ng Pio Duran. Ang Buhawi hills ay 330 meters above sea level.
Sa loob ng mahigit isang oras na pag-akyat sa bundok, matatanaw na ang ganda ng probinsya. Makikita sa tuktok ang magandang view ng sunrise at sunset habang nasa background ang Bulkang Mayon.
Dinarayo rin ito ng mga turista mula sa ibat-ibang lugar, kaya sulit ang pagod sa pag-akyat kapag nasilayan na ang ganda ng tanawin sa itaas ng bundok.
Samantala, sa mga nais umakyat sa Buhawi hills kinakailangang magparehistro muna sa opisina ng Pio Duran Municipal Tourism Cultural Affairs Office (MTCAO).
Para sa mga dayong turista, P200.00 ang hinihinging registration fee habang P100.00 naman ang para sa mga lokal na turista.






