Handa nang magbigay ng technical assistance at services sa mga magsasaka, estudyante, at researchers sa rehiyon ang bagong satellite office ng Department of Agriculture (DA) Bicol – Philippine Carabao Center (PCC).
Ayon kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, ang gusali ay nagkakahalaga ng 2.36 million pesos at bahagi ng programa ng kagawaran para maiangat ang kanilang livestock program services.
Dagdag pa ni Guarin ang bagong satellite office sa rehiyon ay magkakaroon ng liquid nitrogen generator plant na pagaganahin sa mga susunod na buwan. Magkakabit din ng power generator, three-phase transformer, hiwalay na electric at water meters, at storage tanks.
Ang satellite office ay matatagpuan sa DA-Bicol Compound sa Barangay San Augustin, Pili, Camarines Sur.






