Inaasahang ipapatupad sa taong 2026 ang umento sa cash allowances para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Ito ay naglalayong maibsan ng mga benepisyaryo ang epekto ng mabilis na inflation.
Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan, nagkaroon ng consensus para itaas ang cash grants para sa 4Ps beneficiaries.
Para sa mga benepisyaryong may anak na naka-enroll sa daycare, ang cash aid ay itataas mula P300 sa P350 kada buwan, habang ang mga nasa junior high school mula sa P500 patungong P600, at para sa senior high school, mula sa P700 patungong P800.
Ang health nutrition grants ay itataas mula sa P750 patungong P850 habang nananatili sa P600 ang rice subsidy.
Ang kabuoang cash grant para sa lahat ng schemes sa ilalim ng 4Ps ay magiging P3,550 mula sa P2,850.
Batay sa panulalang National Expenditure Program, ang budget para sa 4Ps ay inaasahang tataas sa 114 billion pesos sa 2025 mula sa 106 billion na inilaan sa programa ngayong taon.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 4.4 million households sa bansa ang aktibong miyembro ng conditional cash transfer program.





