Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng investigation teams sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tumulong sa local police units sa case build-up laban sa mga naging paglabag ngayong eleksyon tulad ng vote-buying at vote-selling.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Maj. Gen. Nicolas Torre III, bahagi ito ng overall objective na matiyak na mapayapa at credible ang midterm election.
Aniya, bawat team ay pamumunuan ng isang officer.
“They are tasked to provide investigative assistance to territorial police units for election related incidents and violations of the omnibus election code including election offenses- vote buying and vote selling,” ani Torre.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng units na paigtingin ang operasyon laban sa ano mang pagtatangka na impluwensyahan ang resulta ng eleksyon, partikular ng mga private armed groups at mga gumagawa ng vote-buying.
Higit 163,000 police ang nakabantay ngayong halalan, at 200,00 personnel mula sa iba’t ibang law enforcement agencies.






