Pinahihintulutan ng Department of Education (DepEd) ang mga eskwelahan sa Metro Manila at CALABARZON na magsuspinde ng face-to-face classes dahil sa volcanic smog o vog.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara, ang mga apektadong eskwelahan ay pinapayagang magsuspinde ng klase kahit walang official announcement mula sa local government units.
Ang mga eskwelahang magsususpinde ng in-person classes ay inaatasang magpatupad ng alternative delivery modalities tulad ng modular o online learning.
Ang desisyon kung babawiin na ang suspensyon ay nakadepende sa sitwasyon kung ligtas na bang pumasok sa eskwelahan ang mga guro at estudyante.
Kaugnay nito, hinihikayat ng DOH ang publiko na mag-ingat sa mataas na lebel ng sulfur dioxide mula sa Taal Volcano, na nagdudulot ngayon ng volcanic smog o vog.
Ayon sa DOH, ang vog ay masama sa kalusugan at maaaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan, at respiratory tract, na maaaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.
Hinihikahat ng DOH ang publiko na iwasan muna ang outdoor activities para malimitahan ang exposure sa vog, at panatilihing sarado ang mga pintuan at bintana, at protektahan ang sarili sa pagsusuot ng N95 mask.





