Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang Certificates of Candidacy (COC) ng mga tumatakbong senador sa 2025 May elections.
Ito ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 11045, kung saan ilalabas ng poll body ang COCs at Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga aspirants na tumatakbo sa national at local positions sa kanilang website.
Nitong Oktubre 29, 2024 nang ipaskil ng poll body ang listahan sa kanilang website.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, nasa 183 senatorial bets ang makikita sa website.
Makikita ang listahan dito: https://comelec.gov.ph/?r=2025NLE/COC2025NLE/COC2025
Samantala, inaprubahan ng Comelec ang pagtatatag ng 110 technical hubs sa bansa para sa Midterm elections kasama ang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Sa resolusyon, inaprubahan ng Comelec en banc ang October 22 memorandum, kung saan ipinapanukala ang mga lugar at venue ng technical hubs na magiging responsable sa lahat ng poll-related repairs at configurations.
Nasa isang hub ang ipapakalat kada probinsya at magiging operational mula Mayo 6, 2025 hanggang sa pagtatapos ng halalan.





