MASBATE – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa tinuluyan nitong kwarto sa isang beach resort sa Masbate City, nitong Hunyo 30, 2024.
Ayon sa Provincial Director ng Masbate Police Provincial Office na si Police Colonel Leane Van De Velde, nadiskubre ang estudyante na walang buhay ng mismong may-ari ng resort na tumitingin sa bawat kwarto, agad naman itong ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente.
Sinabi pa ni De Velde na may nakapulupot na sinturon sa leeg ng biktima nang maabutan ng awtoridad.
Iniimbestigahan pa umano nila kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng estudyante.






