Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang rekomendasyon ng fact-finding panel na maghain ng kasong material representation laban kay suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa Memorandum na may petsang August 6, sinabi ng En Banc na in-adopt nila ang resolusyon ng law department at inatasang maghain ng motu propio complaint at magsagawa ng preliminary investigation laban kay Guo para sa material misrepresentation na paglabag sa Section 74 na may kaugnayan sa Section 262 ng Omnibus Election Code (OEC).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang preliminary investigation ay kadalasang inaabot ng dalawa hanggang tatlong lingo bago isumite ang kaso para sa resolusyon.
Ang paglabag ay nadiskubre nang maghain si Guo ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 2021.
Sa ilalim ng OEC, mayroong misrepresentation kapag ipinapalabas ng tao na siya ay eligible o qualified.





