Nag-convene na ang Commission on Elections (Comelec) bilang National Board of Canvassers (NBOC) para sa senatorial at party-list polls ngayong Halalan.
Si Comelec Chairman George Garcia, na nagsilbing chief at presiding officer ng canvassing body, ang opisyal na nagdeklara ng pag-convene ng NBOC.
Sinimulan ang NBOC session sa pamamagitan ng pagpasok ng legal counsels ng senatorial at partylist contenders.
Sinundan ito ng initialization ng Consolidation and Canvassing System (CCS).
Pagkatapos nito, ipapakita ng NBOC sa legal counsels ng mga kandidato at partylist, at iba pang election watchdogs at stakeholders na ang CCS ay malinis at walang naitalang boto nang ito ay buksan.
Magpapatuloy ang kanilang sesyon bukas, Mayo 13,2025, alas-10:00 ng umaga kung saan inaasahang tatanggapin ang certificates of canvass mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Bukod kay Garcia, anim na iba pang commissioners ang bumubuo sa NBOC, kabilang sina Commissioners Ernesto Maceda, Jr., Aimee Ferolino, Rey Bulay, Nelson Celis, Norina Tangaro-Casingal, Noli Rafol Pipo.
Samantala, iniulat din ng Comelec na halos 51,000 ng 57,000 voters o higit 90% ng rehistradong botante para sa Local Absentee Voting (LAV) ang lumahok ngayong eleksyon.





