SORSOGON – Bumaba ang bilang ng naitatalang krimen sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa ulat ng Sorsogon Police Provincial Office.
Ayon kay PMaj. Arwin Destacamento, ang PCAD Officer ng Sorsogon PPO, nasa 50-porsyento ang ibinaba ng crime rate sa lalawigan bunga ng kanilang mas pinahigpit na crime prevention efforts tulad ng ng mobile patrolling, police visibility at checkpoints.
Kabilang sa mga may pagbaba ay ang mga insidente ng panggagahasa, murder at homicide.
Malaki rin aniya ang kontribusyon ng police community partnership sa magandang accomplishment ito.
Sinabi rin ni Destacamento na 80-posyento ng police force ang nagbabantay sa lalawigan para matiyak ang peace and order.
Kaugnay nito, siniguro ng PNP na mas papalakasin pa nila ang kanilang mga programa, proyekto at adbokasiya upang mag tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan.






