ALBAY – Pinangunahan ni Ako Bicol Partylist Congressman Atty. Jil Bongalon ang ika-anim na Tarabangan Caravan ng partido ngayong taon sa Brgy. Salvacion, Tabaco City nitong Biyernes, May 14, 2024.
Ayon kay Cong. Bongalon, ito na ang ika-apat na Tarabangan Caravan ngayong taon na layuning matugunan ang pangangailangang medikal lalo na ng mga kapus-palad na kababayan.
Ilan sa mga libreng serbisyo na inihandog ng partido ay ang libreng checkup, dental mission, pamamahagi ng mga bitamina at gamot, libreng masahe at libreng gupit. Nagkaroon din ng donut making demo, local recruitment at iba pa.
Binuksan rin ang programa sa mga residente ng Barangay Salvacion, Tagas, Fatima, San Roque, at San Lorenzo.
Samantala, nakatakdang dalhin ng partido ang Tarabangan Caravan sa San Jacinto, Masbate sa darating na Mayo 10, 2024.
Taong 2010 nang unang umarangkada ang Tarabang Caravan ng partido.






