Una nang nahuli sa Brgy. Coguit, Balatan, Camarines Sur si Mario Abaño, itinuturing na isang Street-level Individual on Illegal Drugs matapos makuhanan ng tatlong pakete ng shabu na tumitimbang ng 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P17,000.
Naaresto naman sa Brgy. Planza, Libmanan, Camarines Sur si Teodorico Beraquit, itinuturing ding Street-level Individual on Illegal Drugs.
Nakumpiska sa suspek ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.




