NAGA CITY – Nasakote ng awtoridad ang dalawang lalaking tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng awtoridad sa Zone 2, Olaño Compound, Brgy Abella, Naga City bandang alas 6:45 kagabi, Nobyembre 27, 2023.
Nahuli sa operasyon ang mga suspek na isang 36-anyos at 41-anyos, pawang walang asawa at trabaho.
Nasamsam sa mga suspek ang 2.42 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P16,456.
Nasa kustodiya na ng Naga City Police Station (NCPS) ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act o 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
SOURCE: Naga City Police Station



