Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng karagdagang 5 bilyong piso para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang naturang pondo para sa 703,888 4Ps household beneficiaries, na manggagaling mula sa Fiscal Year (FY) 2023 Appropriations.
Dagdag pa ng kalihim, makakatulong ito upang maibsan ang inflation at titiyaking padadaliin ang budget processes upang maihatid ang essential services gaya ng 4Ps.
Sa pamamagitan ng naturang pondo, maipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang trabaho na hind nauudlot, at naihahatid ang kinakailangang tulong sa mga nangangailangan.




