Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na maitatayo ang natitirang 4,705 housing units sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project (YPHP) pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Sa datos ng DHSUD, nakapagtayo na ang National Housing Authority (NHA) ng 53,917 units mula sa 58,619 permanent housing units sa ilalim ng YPHP.
Mula sa nabanggit na natapos na units, kabuoang 45,454 units ang naokupahan ng mga benepisyaryo.
Nitong nakaraang linggo, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial turn-over ng 3,517 housing units sa Burauen, Letye.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ng Punong Ehekutibo ang housing agencies na magtayo ng climate-resilient houses para matiyak na bawat unit kakayanin ang bagyo at iba pang kalamidad.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng YPHP ay tinanggap ang housing units bilang grant, matapos mawalan ng tirahan sa hagupit ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013




