ALBAY – Ikinatuwa at na-appreciate ng first time mom na si Gemma Nober Ordiales ng Barangay Caratagan, Pio Duran, Albay sa supresa ng kanyang asawang si Macjay nitong Mother’s Day.
Sa halip na flowers and chocolates na karaniwang ipinagreregalo sa okasyon, diaper bouquet at diaper cake ang kanyang natanggap.
Kwento Gemma, isa sa love languages ng kanyang asawa ang pagbibigay ng mga regalo kahit noong silaý magkasintahan pa lamang.
Hindi niya lang daw lubos akalaing sa unang pagkakataon na ipinagdiwang niya ang Mother’s Day ay ito ang ireregalo ng kanyang mister na nagbigay tuwa sa kanya.
Sinabi naman ni Macjay, nananaig lang daw ang kanyang pagiging unique at pagiging praktikal lalo na makita niyang kaunti na lamang ang diapers ng kanilang 6-months old na baby.
11 taong silang magkasintahan at ikalawang taon nan nila bilang mag-asawa na kapwa public school teachers.
Para sa mag-asawa, hindi importante ang halaga ng regalo kundi ang inisyatibo at pagmamahal ng totoo.






