Pinayuhan ng Department Of Health Bicol-Center for Health and Development (DOH Bicol-CHD) ang publiko na maiging ipakonsulta agad sa doctor ang mga batang nakakaranas ng matinding pag-ubo na sinabayan pa ng sipon at lagnat lalo na ngayong kumakalat ang sakit na Pertussis o ‘whooping cough’ na isang respiratory infection dala ng bacteria na kung tawagin ay ‘Bordetella Pertussis’.
Ayon kay Dr. Desiree Bricensio ang National Immunization Program Manager ng naturang ahensya, madaling kapitan ng sakit na ito ang mga batang may edad 0-12 months na kulang pa sa bakuna at mahihina pa ang resistensya.
Aniya, kung hindi ito maaagapan ay maaari itong mahantong sa kamatayan ng pasyente.
Ilan sa mga sintomas ng pertussis ay ang sunod-sunod na pag-ubo, pagbahing, nasal discharge, lagnat, pananakit at pagluluha ng mata at pag-kulay asul ng labi, dila at kuko sa tuwing umuubo.
Wala pa namang naiitalang kaso nito sa Bicol, kaya napakahalagang makompleto ng mga sanggol ang pag papabakuna na mabisang panlaban sa mga virus.






