Nagbabala ang Department of Health (DOH) ukol sa mga kumakalat na promotion kung saan ginagamit ang pangalan ni Secretary Teodoro Herbosa para i-endorso ang sinasabing gamot para sa osteoarthritis.
Ayon sa DOH na peke ang naturang endorsement, at walang produktong ineendorso ang kagawaran o mismo ng kalihim.
“This endorsement is false. Neither the DOH nor the Secretary has endorsed any such product,” DOH said.
Ikinokonsidera ng DOH na makipagtulungan sa Food and Drug Administration (FDA) at iba pang ahensya ng gobyerno para silipin ang mga kumakalat na misleading advertisements at mapanagot ang mga nasa likod nito.
Binigyang diin ng DOH ang kahalagahan ng pag-check ng mga validated information mula sa lehitimong sources at official DOH platforms, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga links at social media.






