Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 ng financial support sa near-poor individuals at families sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan.
Ito ay kasabay ng nationwide launch ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) nitong Sabado, Mayo 18, 2024.
Sa ilalim ng AKAP, ang DSWD Bicol ay mamamahagi ng food assistance sa may kabuoang 14,770 Bicolano na minimum wage earner.
Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na maibsan ang mga hamong pang-ekonomiya na kinakaharap ng mga komunidad, sa harap ng inflation, at matiyak na walang maiiwan.
Nasa 14 na venue sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon isinagawa nag payout.
Ang AKAP sa ilalim ng Crisis Intervention Section, nakapaloob ang isang comprehensive outreach and distribution strategy, kung saan magkatuwang ang lokal na pamahalaan at community partners para sa epektibo at napapanahong paghahatid ng ayuda.
Ang mga benepisyaryo ay tinutukoy sa pamamagitan ng mahigpit na assessment processes para matiyak na napupunta ang ayuda sa mga higit na nangangailangan.
Bukod sa food assistance, maaari ring mag-avail ang mga benepisyaryo ng medical assistance, funeral assistance, cash relief assistance, at rice assistance.
Sa Facebook Page ng DSWD Bicol, iniulat nila na aabot 4,875,000 ang halaga ng naipamahaging ayuda sa mga benepisyaryo sa Albay, kabilang na rito ang nasa 1,625 tricycle drivers, maging ang mga domestic at informal workers.
Nasa 1,732 domestic at informal workers naman ang nakatanggap din ng tig-3,000 pesos na ayuda o kabuoang 5,196,000 mula sa tatlong distrito sa Camarines Sur. Sa Bicol Region, ang payout site sa bayan ng Pili ang may pinakamaraming benepisyaryo ng AKAP.
Kung hihimayin, nasa 977 low-income earners mula sa Partido District ang nabigyan ng tulong pinanyal sa Abo Sports Complex, sa bayan ng Tigaon, na may kabuoang 2,931,000. Nasa 811 beneficiaries naman sa ikatlong distrito ng Camarines Sur ang nabigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 2,433,000.
Nasa 468 beneficiaries ang natulungan ng AKAP na isinagawa naman sa Daet, Camarines Norte na nagkakahalaga ng kabuoang 1,404,000. Aabot naman sa 1,518 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong sa Sorsogon Provincial Gymnasium. 2,372 beneficiaries sa Masbate, habang 540 beneficiairies sa Catanduanes.





