Naghatid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 – Bicol ng 20 family water filtration kits sa ilang lokal na pamahalaan sa Camarines Sur na naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Ayon kay DSWD 5 Director Norman Laurio, ang naturang equipment ay kayang magbigay ng clean at potable water.
Bahagi ito ng 100 kits na para sa probinsya ng Camarines Sur.
Kabilang sa mga nakatanggap ng kits ay mga bayan ng Magarao, Minalabac, Gainza, at Milaor. Magpapadala rin sa Nabua atBula.
Ang filtration kits ay kayang makagawa ng 10 hanggang 12 litro ng malinis na tubig.
Nagsagawa rin ang DSWD ng orientation at filtration sa pag-set up at paggamit ng filtration systems.





