Aabot na sa higit 890,000 food packs ang ipinamahagi sa mga biktima ng bagyo sa bansa, kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nasa higit 890,000 food packs na ang ipinadala sa mga apektadong local government units (LGU).
Higit 1.3 million na halaga ng food packs ang naka-prepositioned para sa mga biktima.
Ilang pamilya pa rin mula sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Antique, Iloilo, Negros Provinces, Biliran, Northern at Western Samar, Zamboanga, Northern Cotabato, Dinagat Island, at Mountain Province ang nananatili sa evacuation centers.
Bukod sa food packs, nagbibigay din ang DSWD ng funeral at psychological assistance sa mga biktima ng bagyo.





