LEGAZPI CITY, ALBAY – Masayang nagtipon-tipon sa harap ng kanilang mosque ang Muslim community sa Brgy. 34, Oro Site, Legazpi City para sa pagdiriwang nila ng Eid’al Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan nitong Miyerkules, Abril 10, 2024.
Matapos ang isang buwang pag-aayuno, pormal na nagtapos ang pagdiriwang sa isang salu-salo.
Ilan sa mga nakiisa sa pagtitipon si Board Member Ismail Hisham, Punong Brgy. Oriel Maddela at ang Head ng Oro Site High School na si Jolan Torres.
Ipinagpapasalamat ng naturang komunidad ang suporta at pakikiisa sa kanila ng mga mamamayang Pilipino para sa nasabing selebrasyon.
Hangad naman ng Regional President ng Muslim Community sa Bicol na si Al Amin Hassan na tulad niya mas lumalim pa ang pananampalataya ng mga kapatid niyang Muslim kay Allah.






