Inaasahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maita-transmit ang unang batch ng election returns para sa 2025 Midterm Elections kasabay ng pagsasara ng voting period kaninang alas-7:00 ng gabi.
Ayon kay PPCRV Spokesperson Ana Singson, inaasahang matatanggap nila ang unang batch ng resulta sa pagitan ng alas-7:30 hanggang alas-7:50 ng gabi.
“We’re anticipating na mas mabilis ang halalan ngayon (that the election will be more efficient,” sabi ni Singson.
Bukod dito, sinabi ni Singson na nakatanggap sila ng mga ulat ng mismatches sa sa pagitan ng actual votes at resibo mula sa automated counting machines (ACM).
May ilan din sa mga balota ang na-invalidate dahil umano sa overvoting.
Ito aniya ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng mga ganitong isyu.
Kasabay nito, irerekomenda rin ng PPCRV sa Commission on Elections (Comelec) sa adjustment ng shading threshold sa susunod na eleksyon sa harap ng posibilidad na kahit ang mga smudges ay nababasa ng automated counting machines (ACMs).
Sinabi ni Singson na isasama nila sa kanilang final report ang rekomendasyon na itaas ang shading threshold mula 15% patungong 25%.
Aniya, masadyong mababa ang kasalukuyang threshold.






