CATANDUNANES – Sugatan ang isang babaeng estudyante nang aksidenteng lumusot ang kanang paa sa sirang takip ng isang kanal sa Barangay Calatagan Proper sa bayan ng Virac, alas-3:30 ng umaga nitong Linggo, Mayo 12, 2024.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Mark Matira, patungo sana sa tindahan ang biktima upang bumili ng lugaw kasama ang kaibigan pero hindi nito napansin ang sirang takip ng kanal na nauwi sa aksidente.
Lumalabas na gawa sa bakal ang takip sa kanal ay unti-unti itong nasira dahil sa katagalan ng panahon.
Gumamit sila ng hydraulic spreader cutter para maialis ang paa ng biktima sa pagkakaipit.
Nasa mabuting kondisyon ang biktima at patuloy na nagpapagaling.
 
					 
							 
										






