CAMARINES SUR – Naging matagumpay ang isinagawang Farmers’ Festival Cum Kadiwa ng Department of Agriculture (DA) Bicol sa Pili, Camarines Sur nitong Miyerkules, Mayo 15.
Magsasaka at mangingisda, katuwang tungo sa masaganang bagong Pilipinas naman ang naging tema ng selebrasyon ngayong taon.
Layunin ng selebrasyon na mabigyang pagkilala ang mga magsasaka at mangingisda sa Bicol sa kanilang kontribusyon sa food security at ekonomiya ng rehiyon. Kasabay din nito ang pag-alala sa Patron Saint ng ahensya na si San Isidro Labrador.
Nasa 49 exhibitors ang lumahok sa Agri-Trade Fair habang nagkaroon din ng contest tampok ang mga pinakamalaki, pinakamahaba, pinakamabigat, at pinakakaibang produkto ng mga magsasaka.
Ayon kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, oportunidad ang selebrasyon para sa mga magsasaka upang mas maipakilala sa publiko ang kanilang mga produkto. Ipinakita rin sa selebrasyon ang magagandang accomplishment ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Dumalo sa naturang aktibidad sina DA Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla, Farmer Regional Executive Director Bernadette De Los Santos, DA OIC-RegionalTechnical Director for Operations Dr. Mary Grace Rodriguez, Philippine Center for Postharvest Development Mechanization Director Joel Dator, Agribusiness and Marketing Assistance Division Supervising Agriculturist Dr. Ma. Cristina Campita, AMAD Farmer Division Chief Claudia Esmeralda Honrado, DA Bicol Planning, Monitoring and Evaluation Division Chief Aloha Gigi Banaria at si Farmer PMED Chief Roy Nelson Layosa.
Idineklara ang Farmers and Fisherfolks month tuwing buwan ng Mayo sa bisa ng Presidential Proclamation No.33 series of 1989 na pirmado ni dating Pangulo Corazon Aquino.






