Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili at paggamit ng walong hindi rehistradong produkto na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.
Ang mga naturang produkto ay idineklarang ‘unsafe’ ng FDA kabilang ang mga sumusunod:
- Konu Cone Snacks Cookies & Cream
- Zestar Bubblegum with Tattoo
- Gourmet Healthy Organic White Quinoa
- Gourmet Healthy Organic Black Chia Seeds
- Golden Insu Product in Green Packaging With Fruits-Like Image (In Foreign Language)
- Sioan Gintong Araw Koffee Maize (Roasted White Corn With Mangosteen And Moringa Powder)
- Big Boy Chow Special Pancit Canton Chinese Style
- Lee Super Plaza Himalayan Pink Salt
Sa pamamagitan ng online monitoring at post-marketing surveillance, ang mga nabanggit na produkto ay kulang sa proper registration at kaukulang Certificate of Product Registration (CPR).
Sa ilalim ng Republic Act No. 911 o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang manufacture, importation, exportation, sales, advertising, o distribution ng health products na walang proper authorization ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ang mga naturang produkto ay hindi dumaan sa evaluation ng FDA, kaya hindi matitiyak ang kalidad at kaligatasan nito.






