Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 25 bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok nitong Bisperas ng Kapaskuhan.
Naitala ito ng DOH mula sa 62 sentinel sites.
Nitong December 24, walo ang naitalang bagong nasugatan, mababa kumpara sa 12 noong Disyembre 2023.
Mula sa 25 kaso, 23 ay lalaki at 2 ang babae. 20 dit ay may edad 19 pababa, habang 5 biktima ay 20 taong gulang pataas.
Muling paalala ng DOH sa publiko na gawing ligtas ang pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon.
Pinapayuhan ang publiko na iwasang gumamit ng paputok, at huwag pulutin ang mga paputok na hindi sumabog. Ilayo rin sa mga bata ang paputok tulad ng watusi dahil sa posibilidad na malunok nila ito.
Para sa ligtas na pagdiriwan, hinihikayat ng kagawaran ang lahat na gumamit ng alternatibong pampaingay o makilahok sa community fireworks display.






