CAMARINES NORTE – Pormal na idinaos sa pangugnuna ng Ako Bicol Partylist ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Sports Coliseum at Multi-Purpose Building sa Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte nitong Mayo 9, 2024.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Congressman Raul Angelo ‘Jil’ Bongalon, naglaan ng P350 million pesos na pondo para sa pagpapatayo ng pasilidad na maaaring magamit sa iba’t ibang aktibidad lalo na sa sports at sa mga oras ng sakuna.
Ang proyektong ito ay patunay rin aniyang hindi lang sa Albay nakatutok ang partido kundi pati na rin sa iba pang lugar ng Bicol.
Dumalo rin sa pagtitipon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Virgilio Eduarte, ayon sa kanya ang sports coliseum ay audience capacity na nasa higit 3,000 tao.
Nagpapasalamat naman si Camarines Norte Governor Governor Ricarte “Dong” Padilla sa Ako Bicol at DPWH para sa proyektong ito na aniya’y matagal na niyang pangarap para sa kanilang probinsya.
Samantala, inaasahang matatapos ang proyekto sa susunod na taon.






