Mag-iisyu ng guidelines ang Commission on Elections (Comelec) para labanan ang red-tagging at gender-bases sexual harassment sa campaign period para sa 2025 May Elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, maglalabas sila ng anti-red tagging guidelines, at kasalukuyan itong binabalangkas.
Umaasa si Garcia na maisapinal ito sa susunod na linggo.
Para sa guidelines para sa Safe Space [Act], maigting aniya itong ipapatupad.
Matatandaang nagpadala ng sulat ang Makabayan Bloc kay Garcia para ihayag ang pangamba ukol sa ilang probisyon ng Comelec Resolution 11064, kabilang ang mandatory registration ng social media accounts, websites, digital and internet-based campaign platforms ng mga kandidatpo, partido, at kanilang tagasuporta, dahil maaaring makaapekto ito sa ‘freedom of expression.’





