Ipina-cite in contempt ng House Quad-Committee si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa pagtangging sumagot sa mga katanungan ng mga kongresista.
Naghain ng mosyon si Abang Lingkod Partylist Representative Joseph Stephen Padunao na ipa-contempt si Guo dahil sa paulit-ulit niyang pag-invoke ng right to self-incrimination sa pagdinig.
Bukod dito, naghain din ng mosyon na idetine sa Kamara si Guo, na tatalakayin dahil kasalukuyang nasa kustodiya ng Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) ang dating alkalde.
Bukod dito, ang Senate Committe on Women, Children, Family Relationsw and Gender Equality ay ipina-contempt din si Guo noong Setyembre 9 dahil sa pagsisinungaling sa mga senador.
Cassandra Ong, ipinag-contempt din ng Quad-Comm
Sa pangalawang pagkakataon, ipina-cite in contempt din si Cassandra Li Ong, ang kinatawan ng Lucky South 99, ang POGO na ni-raid sa Porac, Pampanga.
Inaprubahan ng komite na idetine si Ong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City pagkatapos ng Setyembre 26.
Isinulong ang mosyon matapos mag-alangan si Ong na sagutin ang tanong ni Paudano kung saan siya nagtapos sa kanyang alternative learning system schooling.
Asawa ni Harry Roque, inisyuhan ng Show Cause Order
Naglabas din ang Quad-Comm ng show cause order kay Mylah Roque, ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Si Harry ay una nang ipina-contempt ng komite noong Setyembre 13 matapos ang kabiguan niyang magpasa ng dokumento na magpapaliwanag sa biglaang paglobo ng kanyang yaman.





