ALBAY – Umabot sa 480 residente mula sa lalawigan ng Albay ang nabigyan ng financial assistance sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) nitong Hunyo 21, 2024.
May tema ang programa na: “Akapin Natin ang Bagong Pilipinas. Isang araw, Isang milyon, Isang Bayan.”
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ay mga mangingisda, magsasaka at iba pang mga low-income earners sa probinsya kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 10,000 pesos.
Dumalo sa pagtitipon si dating Ako Bicol Party-list Representative Cristopher ‘Kito’ Co.
Ang AKAP ay hatid ng pamahalaan na layong alalayan ang mga manggagawang low-income earners.






