Nagpaabot ang pamahalaan ng halos 10 milyong pisong halaga ng tulong sa indigent Families and Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa 15 munisipalidad sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito ay sa ilalim ng “Lab for All” Caravan na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ang Department of Agriculture (DA) Region 5 ay nag-turn over ng higit 7.8 million pesos na halaga ng interventions habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ay nagbigay ng 1.8 million pesos na financial assistance sa mga benepisyaryo sa Sorsogon.
Kabilang sa ipinagkaloob ay 500 grafted pili seedlings, 3,000 packets ng vegetable seeds, 100 bamboo planting materials, at 2,500 copies ng Information, Education and Communication (IEC) materials sa FCA beneficiaries.
Bukod dito, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng livelihood package, kabilang ang 48 ready-to-lay pullets, 1 egg machine cage, 8 bags ng poultry express feeds, 1 disinfectant, 1 litro ng multivitamins, 100 gramo ng antibiotics.
Ang 15 local government units (LGUs), ay nakatanggap ng 200 mallard ducks, 45 swines, 22,500 pesos na halaga ng feeds, 21,000 pesos na halaga ng piglets, at 6,500 pesos na halaga ng animal medicines, na ipapamahagi sa mga kwalipikadong FCA beneficiaries.
Sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), nagpaabot ng tig-2,000 pesos na assistance sa 939 indigent individuals – 297 mula Sorsogon City, 424 mula Guba, at 218 mula sa Casiguran.




