Kinilala ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang payo ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa mga kababaihan na huwag magsuot ng underwear sa bahay lalo na ngayong mainit ang panahon.
Ayon kay Herbosa, wala namang mali sa naging payo ni Cong. Garin.
Pero payo naman ni Herbosa sa mga kababaihan na magsuot ng underwear na gawa sa cotton para mas komportable.
Nilinaw din ni Herbosa ang mga maaaring maging epekto sa kalusugan ng pagsusuot ng non-cotton underwear lalo na sa mga babae.
Paliwanag niya, ang candidiasis, isang fungal infectiuon dulot ng yeast, at nabubuhay ito sa mainit at basang environment lalo na tuwing summer kung saan madalas magpawis ang mga tao.
Maaari aniya ito mamuhay sa private area ng mga babae na maaaring magdulot ng pangangait.
“Karaniwang itong nangyayari tuwing summer dahil maraming pawis, may moisture dahil mainit so nagpo-propagate ang candida na fungal infection,” sabi ni Herbosa sa isang panayam.
Samantala, hindi rin ligtas ang mga kalalakihan sa fungal infection sa private area, kaya mahalagang magkaroon ng proper hygiene at clothing ngayong summer season.





