Ipinapakilala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bagong inisyatiba na naglalayong palawakin ang healthcare access para sa mga Pilipino.
Ang kampanya ay pinamagatang: “Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamamayan, damang-dama ng bawat Pilipino,” na naglalayong ang bawat Pilipino ay maa-access ang mahahalagang medical treatments sa abot-kayang halaga.
Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr. patuloy ang commitment ng organisasyon sa pagbibigay ng live-saving medical treatments na hindi umaaray ang bulsa.
sabi ni Ledesma.
Nakatuon ang PhilHealth sa pagpapalawak ng coverage para sa 10 most prevalent at severe diseases sa Pilipinas, kabilang ang pneumonia, severe dengue, stroke, chronic kidney disease at iba’t ibang cancer.
Kasalukuyan, 60% ng mga nabanggit na kondisyon ay sakop ng expanded benefits para sa improved access sa treatment ng mga natulang sakit tulad ng pneumonia, asthma, stroke at neonatal sepsis.
Sa 2025, plano ng PhilHealth na ilunsad ang enhanced coverage lalo na sa mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy para sa lung, liver, ovarian, at prostate cancers.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Universal Healthcare (UHC) mandate ng PhilHealth.
Ang PhilHealth ang unang ahensya sa Asia-Pacific Region na mag-alok ng outpatient therapeutic care package para sa Severe Acute Malnutrition na inilunsad nitong Oktubre 1, na naglalayong bawasan ang child malnutrition.
Inalis na rin ng PhilHealth ang Single Confinement Period rule, para sa mga miyembrong nangangailangan ng extended care.
Ang benepisyo para sa hemodialysis ay itinaas sa 59%, kung saan nagbibigay ng halos P1 million na annual coverage para sa mga apektadong miyembro.
Gagamit na rin ang PhilHealth ng digital technology para mapabilis ang paghahatid ng serbisyo.





