ALBAY – Patok ngayon sa mga turistang gustong makalayo sa ingay ng lungsod at makapag-‘reconnect’ sa inang kalikasan ang isang bagong pasyalan sa Lungsod ng Tabaco.
Ito ay ang Adelaida Farm and Resort na matatagpuan sa sa Purok 5, San Vicente, Tabaco City na taong 2018 nang buksan sa publiko.
Malawak ang lugar at mayroon din itong pool, fishpond at farm animals. Swak rin ito sa mga nais mag-camping.
Ayon sa caretaker nito na si Peter Buban, ipinangalan ang naturang pasyalan sa namayapang may-ari nitong si Lola Adelaida.
Nasa P70.00 ang entrance fee sa adults, P50.00 sa mga bata at kung planong mag-overnight P150.00 ang entrance fee para sa adults at P100.00 naman ag para sa bata.
Mayroon ding mga cottage at kwartong pwedeng rentahan rito.





