ALBAY – Nakipadyak ang higit 100 siklista sa ika-apat na edisyon ng ‘Bisikleta Iglesia’ ng Bureau of Jail Management and Penology Bicol (BJMP) Bicol nitong Sabado de Gloria, Marso 30, 2024
“A ride with Jesus towards Repentance” ang naging tema ng aktibidad.
Alas-6:00 ng umaga nang umpisahan ang pagpadyak ng mga kalahok na sinimulan sa The Sacred Heart Chapel sa loob ng komandansya ng BJMP Bicol.
Pitong (7) parokya ang binisita ng mga siklista. Kasama rito ang St. Padre Pio Parish sa Rawis, Legazpi City, St. Dominic De Guzman Parish sa Sto. Domingo, Albay, Our Lady of Mount Carmel Parish sa Malilipot, Albay, St. John the Baptist Parish sa Tabaco City, St. Joachim and Anne Parish sa Malinao, Albay, St. Laurence the Martyr Parsih sa Tiwi, Albay at Diocesan Shrine of Our Lady of Salvation Parish sa Joroan.
Kasama sa mga nakilahok ang warden ng BJMP Tabaco City District Jail na si Jail Chief Inspector Ralph Vincent Bobis na ika-4 na beses na ring nakipedal.
Ayon kay Jail Officer 3 Ruth Castor ang Community Relations Officer ng BJMP Bicol, ang Bisiklita Iglesia ay ang pakikiisa ng kanilang komandansya sa pag-obserba ng Semana Santa.
Bukod sa magandang epekto nito sa kalusugan, makakatulong din sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pondong nalikom sa aktibidad.






