ALBAY – Namahagi ang Ako Bicol PartyList ng hygiene kits sa higit 1,000 mag-aaral ng Don Jose Pavia Central School sa bayan ng Pio Duran nitong Abril 5, 2024.
Naging katuwang ng Ako Bicol sa aktibidad ang Children International Philippines, Clean the World, at ng Unisoft Hygienic Products.
Mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang nabigyan ng hygiene kits naglalaman ng sabon, cleaning solution, sanitary wipes, toilet brushes, diapers, sanitary pads at tumbler.
Malaki ang pasasalamat ng paaralan maging ng Punong Barangay na si Aaron Triguero na napili ng partido ang kanilang lugar para sa naturang aktibidad na tiyak na magandang epektong naidudulot sa kalusugan ng mga bata.
Bukod dito, tinuruan din ang mga mag-aaral ng tamang paghuhugas ng kamay, naniniwala kasi ang Ako Bicol na mas magiging malakas ang pangangatawan ng mga bata kung naituturo sa kanila ang good personal hygiene.
Ang hygiene kit distribution ng Ako Bicol ay bahagi ng ‘Tabang sa Kalusugan’ program na inisyatibo nina Ako Bicol Congressman Zaldy Co at Congressman Atty. Jil Bongalon.






