Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng 223 classrooms na totally damaged dahil sa hagupit ng Bagyong Kristine.
Bukod dito, sa datos pa ng ahensya, nasa 415 classrooms ang partially damaged.
Halos 19 na milyong estudyante ang hindi nakapasok sa eskwela sa nakalipas na 2 araw.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nakatanggap din sila ng reports na nasirang school furniture at computer sets.
Ang initial infrastructure damage ay pumalo sa P765 million – P557.5 million ay kailangan para sa reconstruction at P207.5 para sa major repairs.
Sabi pa ni Angara na ang quick response fund at rehabilitation ang gagamitin sa pagsasa-ayos.
Aminado rin si Angara na nababahala sila sa sunud-sunod na suspensyon ng face-to-face classes bunsod ng kalamidad dahil magreresulta ito sa learning losses.
Aniya, nasa pamunuan ng mga eskwelahan o kaya sa principal kung magpapatupad sila ng make up classes o Saturday classes, para mabawi ang mga nakanselang araw.
Sa ngayon, nasa 309 schools sa bansa ang ginagamit bilang evacuation centers.




