Nai-promote na sa mataas na ranggo ang higit 2,500 unipormadong tauhan ng Police Regional Office sa Bicol (PRO5).
Ang mga na-promote na officers ay pormal na nanumpa sa donning at pinning of ranks ceremony sa iba’t ibang provincial offices at sa Regional Headquarters ng PRO5 na pinangunahan ni Regional Director, PBGen. Andre Dizon.
Ayon kay PBGen. Dizon, ang walang patid na pagsisikap ay nagsisilbing instrument ng pag-asa at inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon ng law enforcement.
Ayon kay PRO5 Spokesperson Police Lieutenant Colonel Malu Calubaquib, ipinapakita lamang ng promotion program ang commitment ng pulisya sa organizational enhancement.
Tinitiyak din aniya ng programa na ang mga tanging kwalipikadong officers ang aangat sa iba’t ibang leadership positions.
Para sa regular program, ang nasa 2,534 promotees ay kinabibilangan ng apat na lieutenant colonels, 15 majors, 34 captains, 43 lieutenants, 208 executive master sergeants, 322 chief master sergeants, 207 staff master sergeants, 773 master sergeants, 622 staff master sergeants, at 306 corporals.
Sa ilalim naman ng special promotion program, lima ang na-promote – isang lieutenant colonel, dalawang lieutenants, at tatlong staff master sergeants.






