Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na nailabas na nila ang P32.19 billion para sa 13th month at December pension para sa higit 3.6 million pensioners, na maagang natanggap mula nitong Nobyembre 29.
Ayon kay SSS officer-in-charge Voltaire P. Agas, ang maagang paglalabas ng 13th month at December 2024 pensions ay maagang pamasko para sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.
Ang unang batch ng pensions, na nagkakahalaga ng P17.9 billion, ay sinimulang ipinamahagi nitong Nobyembre 29 sa 2.09 million pensioners kung saan ang contingency dates ay sa pagitan ng unang araw o akinse ng buwan.
Samantala, iniulat din ni Agas na para naman sa second batch, na nagkakahalaga ng P14.3 billion ay inilabas nitong Disyembre 4, kung saan P1.52 million pensioners ang nakinabang na may contigency dates mula ika-16 hanggang sa katapusan ng buwan.
Bukod dito, nai-disburse na rin ng SSS ang P41.6 million na 13th month at December pensions sa higit 6,000 pensioners sa pamamagitan ng non-PESONet banks and checks.
Dagdag pa ni Agas na ang mga pensioners na nag-advance ng 18th-month pension, ay natanggap ang kanilang 13th month pension nitong December 4.
Ibinibigay ng SSS ang 13th-month pension sa SSS at EC pensioners taun-taon mula 19888, katumbas ng kanilang buwanang pension, bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon.
Paglilinaw naman ni Agas na ang mga retirement at survivor pensioners ay makakatanggap ng 13th month pension na katumbas ng kanilang regular monthly pension, habang ang total disability pensioners ay makakatanggap din ng naturang halaga, maliban sa medical allowance.
Ang mga batang nakakatanggap ng dependent pensions ay eligible para sa 13th-month pension, habang ang partial disability pensioners ay maaaring makwalipika kung ang kanilang pension ay nagtagal ng halos 12 buwan.






