Nakapagparehistro na ang higit 3,000 residente sa Albay bilang mga bagong miyembro ng Social Security System (SSS).
Ayon kay SSS Legazpi Communications Officer Jeanette Mapa, kabuoang 3,297 bagong miyembro ang nagparehistro at naisyuhan g anilang SS number bilang bahagi ng kanilang kampanya na mas maraming Pilipino ang sakop ng pinalawak na security protection coverage.
Sa isinagawang onsite registration activities mula Hunyo 14 hanggang 15, nasa 10,000 residente sa Camarines Norte, Camarines Sur, catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate ang naiparehistro bilang bagong SSS members.
Nilinaw naman ni Mapa na kahit naisyuhan na ng SS number, hindi nangangahulugang kwalipikado na sa coverage o benefits.
Kailangan aniya munang magbayad ng kontribusyon ang mga miyembro para sa kanilang savings at pagbabatayan ng pagbibigay ng ss benefits sa oras ng pangangailangan.
Sinabi ni SSS Luzon Bicol Division Vice President Elenita Samblero, ang nationwide activity ay isinagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa para mas mailapit ang serbisyo sa publiko.
Ang mga miyembrong employed na nais dagdagan ang kanilang savings at magkaroon ng mas malaking pension sa retirement ay maaaring magbayad ng hiwalay na kontribusyon para sa MySSS Pension Booster.
Hinihikayat ng SSS ang mga kabataan na simulant ang savings sa SSS members.
Bukod sa SSS registration at issuance ng SS numbers, bang iba pang serbisyo tulad ng application para sa salary at pension loans at benefit claims, pag-update ng records, at iba pang online services ay mas nailapit sa publiko.





